"Kape at Pag-ibig"
- by AlTheist
- Apr 28, 2017
- 1 min read

Sa kape, mayroong ang hinahanap lang ay init
Kapag ito'y lumamig, ito'y wala nang lasa,
Nescafé man maski barako pa.
Mayroong ang hanap ay lasa—
kalidad ng buto, pino ng pagkagiling, tagal ng pagkatusta.
Ang iba'y lugar lang ang ninanasa—
mainit, malamig, barako, espreso o americano—
hangga't may upuan at sandalan ayus nang tagpuan.
Hindi naiiba rito ang pag-ibig.
May nahahalina sa lagablab
Ilan nama'y sa lalim ng ugat
Karamiha'y pagkakataon ang hinahanap.
Kape at Pag-ibig— kapwang (may) buto
Kapwang kailangan ng proseso.
Kahit anong lasa o timpla
Basta't dapat hinog
Dahil kung hindi
May pait na hindi dapat,
May labnaw na hindi mawawala
Kahit na ano pang gawing pagsisikap.
Comments